In Memory of Our Dear Friend

0 Flares Facebook 0 Twitter 0 Google+ 0 Pin It Share 0 StumbleUpon 0 Email 0 Filament.io 0 Flares ×

RIPstat
She was laid to rest last Thursday – September 2, 2010. I’ll miss you Rocky! Thank you for the friendship and for the love you’ve shown. My best friend wrote a note for her. I had to share with you since she wrote it so perfectly. A true friend indeed she was. When I read this note, I cried as usual. I’m sure my bff will miss her more.

 

Hanggang sa muli, Rocky…

-by Oli Gozar

 

Teh,

 

Nahatid ka na namin pabalik sa ating Panginoon, binigla mo kaming lahat, at nasaktan kami sa nanyari…nun una hindi ko matanggap talaga…pero ngayon naniniwala na ko na asan ka man ay masaya ka na at walang ng hirap na nararanasan….

 

Ilang araw lumutang ang pag-iisip ko at parang ang dami kong gustong sabihin at gawin para sayo pero hindi ko alam pano at saan sisimulan…kaya mas ginusto kong manahimik, matulala at alalahanin ka na lng…

 

Hindi ko makakalimutan yun mga paborito mong sinasabi plagi na…. "Tara na teh! mamili tayo ng mga bagay na hindi natin kelangan" at ang famous mong may nakakaaliw na tonong…."hmmm…Shutang inang yan", dahil din sayo natututo akong magbakla-baklaan eh! nakakahawa ka eh….

 

Akala ko hindi ko matatanggap teh, pero buti na lang ang galing ng pari na nagmisa para sa inyo ng mga pinsan mo….teh, pinagalitan nya kami….saktong sakto yun sinabi ni father na panagot sa mga katanungan ko…at dahil dito bumalik ang faith ko na okay ka na nga at kasama mo na si Lord.

 

Teh, nasermunan kami ni father, sinabi nya ng pasigaw… alam ko iniisip nyo…madaming katanungan ang naglalaro sa isip nyo ngayon! bakit ganito! bakit ganyan! galit kayo! bakit kelangan bumangga na, tapos masunog pa! ang saklap….teh yan yun hindi ko matanggap yun yung nasaisip ko eh…nun sinabi ni father na sino yun mga nag-iisip ng ganyan mega taas ako ng kamay eh….

 

Tapos biglang sabi ni father okay lng daw na magtanong, magalit… normal daw yun….pero sinagot nya na…bakit ka nagtatanong? bakit kelangan ikaw pipili ng paraan ng pagkamatay nila? ibig mong sabihin mas magaling ka pa sa Diyos???? sabi ni father teh kung mahal ka namin…mas mahal ka ni God kaya mas alam nya kung ano ang makakabuti sayo…teh, sabi ni father yun anak nga ng Panginoon ayan oh hanggang ngayon nakapako…etong magpipinsan na toh sandaling hirap lng ang dinanas nila….kasi mahal sila ng Diyos….

 

Grabe teh nagsorry ako kay Lord kasi nagtanong ako ng ganyan….at nagalit ako….pero ngayon natatanggap ko na….hindi ka pababayaan ni Lord…na mamahalin ka nya higit pa sa pagmamahal namin sayo…isa na lang ang problema….sobrang mamimiss kita….

 

Pero teh, alam mo kahit papano nakakatuwa na ang pag-exit mo sa mundo ay may kabog pa din…teh pinuno nyong magpipinsan ang malaking simbahan sa bulacan eh….hanggang labas may mga nakatayo at nakikiramay sa inyo….teh tuwang tuwa ako na madaming nagmamahal sayo….kagaya ng pagmamahal ko at ng pamilya ko sayo…

 

Teh, alam mo naiimagine kita nun nagmimisa…malamang iritang irita ka na kasi tinatawag ka ni father ng paulit ulit ng Raquel hehehe! Gusto ko sanang icorrect si father pero naiimagine ko na nag-eenjoy yun dalawa mo pang pinsan na natatawa sa reaction mo….hehehe!

 

Nga pla teh…alam ko na tinago mo ang shades ko na kabibili ko lng para sa paghatid sayo….sinadya mo talagang itago eh noh…..gusto mo talagang makita na namamaga yun mata ko….pinagbigyan na kita teh, hindi na ko nagshades pero sana ibalik mo na, kasi isang beses ko palang nagagamit yun eh….binili ko lang talaga yun para sayo eh….

 

Teh, hindi talaga ako magaling sa ganito….dahil alam mong ang pinagsamahan natin ay puro saya at tawa lamang….ikaw ang nagturo sakin kung pano maging maligaya ang buhay eh…

 

Pasensya ka na kung wala akong matinding pabaon na salita nun dinalaw kita hanggang sa nagpaalam na….isa lang kasi ang plagi kong naiisip mula nun nawala ka eh…..at yun ay…mahal na mahal kita…

 

or

6 comments

  1. Kaje says:

    nakakaiyak naman neto. san ba sila naaksidente? as in magpipinsan sila? nanews ba ito? ang bata pa. pero like the friend said, wala tayong karapatan na kwestyunin ang kalooban ng Diyos. they are in a best place now :) condolences ha.

Leave a Reply

CommentLuv badge